Come and Rescue Me (Excerpt)

Cover (1)

Nang dumating ang mga food namin ay siya rin namang pagdating ng isang grupo ng mga babae at lalaki. Hindi sila naka-swim wear. Balot na balot sila na parang a-attend ng conference.

“Wow ha? Ano ‘to? Convention?” sarcastic ma tanong ni Jean na nakatingin sa amin.

“Jean, ano ba? Baka marinig ka ng mga ‘yan mapaaway pa tayo,” saway ni Callie.

Isa-isa kong pasimpleng tiningnan ang mga bagong dating. Feeling ko, tama si Jean. These people are here not to have fun but to attend a boring convention. Di ko masabi kung ano sila, by profession, but there is something about the way they carry themselves that makes them stand-out.

“Seph, paabot nga niyang menu sa harap mo?” narinig kong sabi nung isa sa mga babae.

Pero instead na sa babae akong tumingin, doon ako napatingin sa lalaking tinawag niya.

“Don’t you look… delicious?!” wala sa sariling sabi ko.

“Ano?” halos sabay na tanong nina Jean at Callie.

“Ha? Yung lalaki sa kabilang table ang pogi.”

“Ayan tayo, eh. Belle, ano, tatanungin ko na ba pangalan?” nang-aasar na tanong ni Jean.

“No need. I think his name is Joseph.”

“Ang harot mo, pa’no mo nalaman?” ngiting ngiti na tanong naman ni Callie.

“Narinig ko tinawag siya nung babaeng kasama niya.”

Si Jean naman ang nagsalita. “Ay, may girlfriend na.”

Napataas ang kilay ko. “Girlfriend agad? Di ba pwedeng kaibigan lang niya?”

“Ah so may ipinaglalaban ka?” Natatawa na si Callie.

“Give me a break, girls,” sabi ko na natatawa na rin.

“Oo nga naman. A girl needs her heart mended,” sabi ni Jean.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang pasimple kong tinitingnan ang mga tao sa kabilang table, particularly dun sa cutie hotness na si Joseph. Ano kayang ginagawa nila dito sa resort? Naku naman, kung nakita ko ang kagwapuhan na ‘to at nakilala kahit three months ago, siguro I never went suicidal. Anyway, there’s no point crying over spilled milk.

Nang tumingin ako ulit sa table nila, biglang nagtama ang paningin namin nung lalaki. Ngumiti siya habang ako naman ay pinagpawisan ng malagkit.

Talk about awkward moment.

Pero siyempre hindi ko na muna binanggit sa mga kasama ko. Baka kantyawan lang ako lalo.

So kung nagtama ang paningin namin, does that mean he was looking at me, too?

 

Read the entire story by clicking here.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s